Camp Pag-ibig

17 February 2011

Masayang ipinagdiwang noong ika-13 ng Peb­rero, bisperas ng Araw ng mga Puso, ang Camp Pag-ibig ang taunang “day camp” na ginaganap sa Balara Filters sa Quezon City para sa mga batang may espesyal na panga­ngailangan.

Nagkataon lang siguro na National Intellectual Disabi­lity Week din (Feb.12-18), pero ang tunay na dahilan kung bakit ang day camp na ito’y binansagan na Camp Pag-ibig ay sapagkat ito ay isinasagawa tuwing Valentine’s Day o sa weekend na pinakamalapit sa Araw ng mga Puso. Dahil dito, itinu­ring ito ng mga organi­zer na isang “Love Fest” o pag-aalay at pagpapamalas ng pagmamahal para sa mga batang may kapansanan at may espesyal na pa­ngangailangan.


Ang mga special kids ng Camp Pag-ibig ay mula sa iba’t ibang SPED o Special Education schools ng National Capital Region. A­yon kay Dr. Erlinda Lolarga, pa­ngulo ng Phi­lippine Association for the Retarded (PAR), iilan-ilan lang ang taga­suporta ng Camp Pag-ibig nang ito’y inilunsad noong 1976.

Ngunit sa tulong at suporta ng QC go­vernment, DepEd Bureau of Elementary Education, QC Capitol Jaycees at Manila Water, lalong gumanda, lalong sumaya at lalong naging mas makabuluhan ang espesyal na araw na ito para sa mahigit 2,500 na batang may hearing at visual impairment, autism at iba pang mga kakaibang pangangailangan.

  • Multimedia

    4 3 2 1
  • House of Representatives
    Fifth Floor, Rm. S-518
    (632) 931-5001 local 7296
    (632) 931-5988

    District Office
    Eighth Floor, Civic Center Building
    Quezon City Hall
    (632) 444-7272 local 8856
    (632) 352-2410