Bite da Bolet

Benta

2 February 2012 Dalawang inggliserong opisyal ng Megaworld, si Giovanni Ng at si Noli Hernandez, ang tumestigo para sa prosekusyon ngayong linggong ito para linawin ang ilang bagay tungkol sa Bellagio penthouse unit na ibinenta ng Megaworld kay Chief Justice Renato Corona sa halagang P14.5M, samantalang ang “original price” nito ay P24.5M.

Tatlong mungkahi at isang panawagan

26 January 2012 Tumanggap ako ng email nitong Chinese New Year mula sa isang miyembro ng Hudikatura. Mukhang may “PIPI” ang taong ito, mga katangian na ayon sa ating Saligang Batas ay taglay dapat ng ating mga hukom at mga mahistrado: Proven competence, Integrity, Probity at Independence.

‘Ang Pinakawalanghiyang Tao sa Balat ng Lupa’

19 January 2012 Kung naaalala mo si Gloria Diaz, dating Miss Universe na may pelikula noong 1975 na pinamagatang “Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa”, medyo may edad ka na siguro para maging saksi sa yugyugan ng 70’s — panahon ng pinakamalapad na kwelyo, pinakama­kintab na kasuotan at pinakamataas na takong sa history ng [...]

Ano ang mabuti para sa bayan?

12 January 2012 Kung nagbabasa ka ng Abante TONITE, malamang ay nasa hustong gulang ka na’t may wastong pag-iisip; malamang ay alam mo na kung ano ang mabuti at kung ano ang masama. Halimbawa: Alam mo na siguro na ang pag-inom ng alak, kung pakonti-konti’t paminsan-minsan lang naman, ay hindi kasing-sama ng paninigarilyo, na masama [...]

May ‘PIPI’ ba kayo?

5 January 2012 Hindi ako abugado. Pero minsa’y nangangarap ako, na sana noong ako’y bata-bata pa, na nagkaroon sana ako ng galing, talino at disiplina para kumuha ng abogasya at maging isang abugado. Kaya lang kulang ako ng isa pang napakahalagang sangkap: Tapang.

Katapusan ng mundo

29 December 2011 “We hope that you’ll enjoy this LAST Christmas with us, since we’ll all DIE next year anyway :-) …” Ito ang huling linya sa Christmas card na ginawa ng aking anak na si Kiko. Pero huwag kayong mag-alala sapagkat may “smiley” naman sa dulo ng kanyang isinulat; nagbibiro lang si Kiko tungkol [...]

Tandang panamdam!

22 December 2011 Tatlong tulog na lang at Pasko na. Bakit tuldok (period) lang at hindi tandang pandamdam (exclamation point) ang ginamit ko para wakasan ang pangungusap (sentence)? Simple lang ang dahilan: hindi ko na po masyadong nararamdaman ang sigla (enthusiasm) at galak (excitement) na dati-rati at kadalasan ay kakambal ng Pasko.

Christmas wish

15 December 2011 Ilang tulog na lang at Pasko na! Guni-guni ko lang ba o talagang kakaiba ang Pasko rito sa Pilipinas? Parang mas matagal (pinakamatagal yata sa buong mundo) at mas makulay. Bawat pamilyang Pinoy, mayaman man o mahirap, ay may kanya-kanyang pamamaraan, mga tradisyon at mga ritwal na nakaugalian, para ipagdiwang ang kapanganakan [...]

‘Coronarroyo’

8 December 2011 Nagwawakas ang Corona kung saan mag-uumpisa ang Arroyo, pero haka-haka lang ba o totoong sanggang-dikit sina Chief Justice Renato Corona at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo? Talaga bang walang kinikilingan ang Punong Mahistrado ng Korte Suprema? Kailangan ba itong mag-inhibit para maalis ang agam-agam ng mga mamama­yan at para mapangalagaan ang integridad ng [...]

Alam n’yo ba?

24 November 2011 “Alam n’yo ba na nasa pagbasa ang pag-asa?” Nakangiti si Kris Aquino habang binibigkas niya ang katanungang ito. Medyo natigilan ako. Parang naka-freeze ‘yung screen ng ilang segundo. Tapos habang ipinapakita ‘yung Araw ng Pag(b)asa poster, kung saan maaaninag ang anyo ni Ninoy Aquino, magiliw na nagpatuloy si Kris: “kaya’t sa Nov. [...]

  • Multimedia

    4 3 2 1
  • House of Representatives
    Fifth Floor, Rm. S-518
    (632) 931-5001 local 7296
    (632) 931-5988

    District Office
    Eighth Floor, Civic Center Building
    Quezon City Hall
    (632) 444-7272 local 8856
    (632) 352-2410